Mt. Batolusong



Wala itong pamagat dahil wala namang kwentong nabuo
Bumitaw ka na kaya't paanong sasagutin na "oo"
Wala namang mali ngunit ika'y biglang naglaho
Paano natin mabubuo ang ating kwento
kung sa simula palang ay meron ka ng bago






Wala pa tayo sa tuktok pero unti unti ka ng bumababa
Nasa simula palang tayo pero bakit pagod ka na
Pahigpit palang ang aking kapit, ngunit ika'y bumitaw na
Sa ating paglalakbay ikaw ay sumuko na
Ang ating kwento ay matatapos lang pala sa "sana"



Sana hindi nalang sinimulan
kung agad agad din magkakaroon ng hangganan
Walang paalam, bigla lang natuldukan
Kwentong isinulat na ang simula ay katapusan
Ang pahina sa aking buhay na hindi ko na gustong balikan




Wag ka ng magtangka na ako'y balikan
Dahil hindi mo naman ako pinahalagahan
Salita mo ay hindi mo naman kayang panindigan
..At sana hindi mo nalang ako niligawan
Dahil ang gusto mo naman pala ay kaliwaan



(Mt. Batolusong)

Comments

Popular posts from this blog

Mt. Talamitam