Mt. Batolusong
Wala itong pamagat dahil wala namang kwentong nabuo Bumitaw ka na kaya't paanong sasagutin na "oo" Wala namang mali ngunit ika'y biglang naglaho Paano natin mabubuo ang ating kwento kung sa simula palang ay meron ka ng bago Wala pa tayo sa tuktok pero unti unti ka ng bumababa Nasa simula palang tayo pero bakit pagod ka na Pahigpit palang ang aking kapit, ngunit ika'y bumitaw na Sa ating paglalakbay ikaw ay sumuko na Ang ating kwento ay matatapos lang pala sa "sana" Sana hindi nalang sinimulan kung agad agad din magkakaroon ng hangganan Walang paalam, bigla lang natuldukan Kwentong isinulat na ang simula ay katapusan Ang pahina sa aking buhay na hindi ko na gustong balikan Wag ka ng magtangka na ako'y balikan Dahil hindi mo naman ako pinahalagahan Salita mo ay hindi mo naman kayang panindigan ..At sana hindi mo nalang ako niligawan Dahil ang gusto mo naman pala ay kaliwaan ...
Comments
Post a Comment