Boracay Island



"Inanod na ng Alon"





Naaalala ko pa ang mga tinginan na tila'y 
walang hanggan
Umagang sinisimulan ng iyong bati na saakin 
lang nakalaan
Araw na laging nabubuo sa tuwing ika'y 
aking nasisilayan
Kapag ika'y aking kasama, oras ay 
hindi namamalayan
Nagsimula sa mga simpleng tuksuhan
hanggang sa napunta sa matinding 
pagkakaunawaan
Ang saya na iyong dulot ay hindi
mapapantayan




Ngunit ihip ng hangin ay tila nagbago
ang direksyon
Mga damdamin na tila pinaglaruan lang ng
panahon
Ang akalang walang hanggan..
ay nagkaroon ng katapusan
Nagdilim ang pagilid na dati'y makulay
Nagpadala sa mga salitang akala ay tunay
Mga bituin sa langit ay tumigil na sa 
pagkislap
ng ika'y mawala sa aking yakap


Ilang gabing pilit inilalasing ang sarili
Nagbabaka sakaling sakit ay mapawi..
Andito ako sa paraiso at naghihintay
Naghihintay na mawala ang bakas ng sugat
bakas na iyong inilapat
Buti pa ang alon kapag umalis ay bumabalik
kailan kaya ulit matitikman ang tamis ng
yakap mo't halik..




Paano sisimulan ang tinapos na storya
Kung ang alon ay dinala na ang
mga masasayang alaala...





Comments

Popular posts from this blog

Mt. Batolusong

Mt. Talamitam